PAGKARATING nila sa ospital ay inasikaso sila agad. Nakayakap si Leina sa Mama niya habang walang humpay ang pag-iyak. Si Emil ay awang-awa sa mag-ina. Kalalabas lamang sa kulungan nina Lea at Castor. Dapat ay nagsasaya sila para sa paglaya ng mga ito. Pero naging sunod-sunod ang problema. "Don't worry, I know some doctors here. Alam ko na gagawin nila ang lahat para maligtas si Castor," sabi niya para mapanatag ang loob nina Leina at Lea. Napahiwalay si Leina sa ina at humarap sa asawa. "Please, mahal ko. Kahit makiusap ako sa kanila, iligtas lang nila si Papa... gagawin ko." Nilapitan ni Emil si Leina, hinawakan niya ang kamay ng asawa. "Walang mangyayaring masama kay Castor. Sisiguraduhin ko 'yan sayo, mahal ko," tugon niya at niyakap ang lumuluhang asawa. Masamang tinapunan ng tingin ni Lea ang mag-asawa. Naninibugho ang damdamin niya na parang si Leina lang ang pinapakalma ni Emil. Malungkot din siya n Mas lalong humigpit ang yakap ni Emil kay Leina habang pilit itong pi
Read more