LOGIN"This is the life you want, 'di ba? Bakit hindi ka masaya?" tanong ni Ivran habang nasa isang room kami."Kung ganito lang din kagulo, hindi ko na papangarapin 'to," sagot ko. Natawa naman siya."Senra, walang taong walang dalang problema. You should thank me dahil naisama pa kita sa ganitong buhay. Hindi kita iniwan," proud pa niyang sabi kahit na naiinis at natatakot na ako sa kaniya."U-Umalis ka na, Ivran," tanging sabi ko bago ko siya talikuran."Paalisin mo kaagad ako?" tanong naman niya kaya inis ko siyang hinarap. "I believe that I must be rewarded, Senra."Hindi ko siya sinagot. Napipi ako nang isa-isa niyang tanggalin ang butones ng suot niyang polo at naghubad sa harapan ko."I believe, let's have our first night here.""Hindi ka ba nakakaintindi, Ivran? Ang sabi ko, umalis ka—" Bigla ko na lang naramdaman ang malakas niyang paghila sa 'kin papalapit sa kaniya."Wala ka ng magagawa pa, Senra!" mahina ngunit mariin niyang sabi sa 'kin habang nanlilisik ang mga mata niya. Dam
"Daughter? Teka, Ivran, sinong sinasabi mong daughter? Ako?" sunod-sunod kong tanong kay Ivran dahil hindi ako makapaniwala. Pinaglalaruan ba niya ako?"Senra, I will tell you everything after this," sabi lang ni Ivran kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Naupo kami sa tapat ng mag-asawa na nakangiti at tuwang tuwa pa rin sa 'kin."H-Hindi ko maintindihan," sabi ko sa kanila."H-Hindi mo naiintindihan? Hindi mo ba natatandaan? Kami ang mga magulang mo," sabi ng matandang babae. Akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit hindi ako pumayag."Mukhang nagkakamali po kayo," sagot ko ngunit bigla namang nagsalita si Ivran."Hindi niya po kayo makikilala dahil sa nangyari sa kaniya. I'm doing my best to get the man behind her abduction. Kapag nangyari 'yon, ipaparating ko po kaagad sa inyo."Nagtataka na lang ako sa mga sinasabi ni Ivran. Isa ba siyang pulis? Para siyang humahawak ng kaso sa lagay niyang 'yan."I'm so thankful to have you, Mr. Moredad. You are worthy to be part of o
"A-Anong ginagawa ko ri—""Wala ka ng ibang mapupuntahan, Senra. You have nothing but me," ani Ivran.Sa galit ay agad akong tumayo mula sa kama at balak na sanang umalis, ngunit nabigla ako nang hablutin niya ang braso ko. Sa pagtingin ko sa kaniya ay napansin ko ang talim din ng tingin niya sa 'kin."You will stay here with me whether you want me or not!" mariin niyang sabi. Kahit na nakaramdam ako ng kakaibang takot sa aksyon at pananalita niya ay inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya."H'wag mo 'kong minamanduhan! N-Nang dahil sa 'yo, n-nilayo ni Ruscial sa 'kin ang anak ko! Wala ka man lang ginawa, ha? Pinaasa mo ako!" sagot ko sa kaniya.Ngumisi siya sa 'kin. Parang hindi niya tine-take nang seryoso ang galit ko."So, what? Let our son be with his father. Ayaw mo bang gumanda ang buhay ng anak mo?" tanong pa niya sa 'kin.Nakaramdam ako ng kung anong galit sa loob ko sa sinabi niyang 'yon."Talagang wala kang pakialam kay Raci, 'no? Anong klase kang magulang? Magiging
"T-Teka, bakit ang gamit ko lang?" tanong ko sa kasambahay na tila inutusan ni tito Dario para ilabas ang mga gamit ko. Pansin ko na wala ang gamit ng anak kong si Raci."Kayo raw po ang pinaaalis at hindi ang bata," sagot naman ng kasambahay."P-Pero anak namin ni Ivran si Raci. D-Dapat kong dalhin ang anak ko!" reklamo ko pa."At anong ipakakain mo sa bata? Ang kalandian mo?" tanong namang bigla ni Ruscial na nasa likod ko na pala."Ruscial naman, anak ko pa rin si Raci. Si Ivran ang totoo niyang ama," paglalantad ko ng katotohanan. Pansin ko na nasaktan siya sa sinabi ko pero pilit pa rin niyang nilabas ang pagiging seryoso't galit niya."Hindi ko inaangkin ang bata. Magpasalamat ka pa sa 'kin dahil concern ako sa kaniya kahit hindi ako ang totoo niyang ama," sabi niya at saka dahan-dahang naglakad patungo sa gawi ko. "E, ikaw? Ano kaya ang iisipin ni Raci sakaling malaman niya na ang kinakapaitd ng nanay niya ang totoo niyang tatay""R-Ruscial, alam kong galit ka pa sa 'kin pero h
Naglalakad-lakad kami ni Ivran sa park habang nasa stroller si baby Raci. Malawak at tahimik ang paligid kaya maganda para sa 'ming pamilya."Hindi ko akalain na magiging maayos tayong dalawa. Parang dati, gusto lang kita. Hindi pa naging maganda ang trato ko sa 'yo pero trinato ko nang tama," paliwanag ni Ivran."Hindi ko nga rin akalain, e. Sa pagkakaalam ko lang, mahal na kita, Ivran, pero hindi tayo magiging malaya kung nasa lugar tayo ng mga taong mapanghusga. Dapat nga, lumayo na tayo. Magsama na tayong dalawa," sabi ko naman sa kaniya."That's what I also like, Senra, pero hindi madali."Tumigil kami sa paglalakad at humarap ako kay Ivran. Tinitigan ko ang maaliwalas niyang mukha at dinampi ang palad ko sa pisngi niya."Ivran, nahihirapan na ako sa sitwasyon natin. Lumayo na lang tayo," sabi ko sa kaniya. Nilapat din ni Ivran ang palad niya sa nakalapat kong kamay sa mukha niya."Hindi ako susuko, Senra. Magsasama pa tayong dalawa—kasama ang anak natin."HINAYAAN ko muna si bab
Tulog na ang anak ko pero ako 'tong hindi makatulog. Hindi ko alam kung bakit? Gusto ko ng mahiga at ikomportable ang sarili ko sa kama pero para akong hindi mapakali.Lumabas ako ng kwarto para magtungo sa kusina. Habang naglalagay ako ng tubig ay may naririnig akong kaluskos kaya agad akong sumiksik sa gilid. Baka mamaya, may nakapasok na pala rito sa mansion!Ngunit nang sumilip ako, nagtataka na lang ako kung bakit gising din si Mama. May hawak pa siyang phone at tila may kausap siya rito."Nasaan ka? Pupuntahan na lang kita r'yan," bulong ni Mama. Sa tahimik ng paligid ay naririnig ko ang boses niya. Mukha pa siyang nagmamadali. Maingat niyang binuksan at sinara ang pinto ng mansion.Mabilis kong ininom ang tubig ko dahil may kung anong pumasok sa isip ko para sundan siya. Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan. Alam kong hindi pa ako allowed mag-drive kaya mag-iingat na lang ako.Hinintay kong umalis si Mama bago ko siya sundan. Hindi ko nilalapit sa kaniya ang minamaneho ko dahi







