Python's pov Pagbungad ko pa lang sa pintuan ng baraks,agad kong napansin ang nakahigang babae sa pinakadulo ng lahat.Agad akong nagtaka,bakit may babae rito.Bakit may babae rito?Subalit, napakunot ang noo ko ng makita kong may naka kabit na dextrose sa kanang kamay nito.Pero bakit nandito,bakit hindi dinala sa hospital upang duon magpagaling. "ano ang ibig sabihin nito, engineer Roman?Kelan pa naging hospital ang pagmamay-ari ko?"seryoso ang tinig kong tanong sa kanya. Bago niya sinagot ang tinatanong ko, narinig ko ang malalim niyang paghinga ng malalim. "tama ka,Mr.Alvarez.Hindi 'to isang hospital.Ngunit ang babae'ng nakikita mo ay hindi rin namin kilala.Natagpuan namin siya sa pinakadulo ng lupain mo na walang malay,inaapoy ng lagnat at maraming sugat sa katawan lalo na likod nito na gawa ng kong anong bagay.May pasa rin siya sa kanyang labi at ang mga paa niyang namamaga.Kaya hindi kami nag-atubiling tulongan siya."paliwanag ng engineer sa'kin. "Pero bakit hindi niyo na
Last Updated : 2025-12-15 Read more