NAGMULAT ng mata sa umagang iyon si Kaytie. She felt herself first, bago piniling bumangon mula sa pagkakahiga. Still early, pero hindi na niya nagisnan na nasa tabi niya si Hardin. Tuluyan na siyang tumayo at pumasok sa may banyo para hilamusan ang mukha. While she was washing her hands, she noticed something. Gulat niyang inalis ang mga kamay mula sa pagkakabasa. Kumurap-kurap siya. Pinagmasdan pa niyang maigi iyon ng ilang beses. She thought her own hand was stained with blood. It was full. Ngunit, mukhang nagkamali lang pala siya. Namamalikmata na naman siya. Nang makapag-ayos ay lumabas na siya ng silid. Ramdam niya ang gutom, tahimik lamang ang buong bahay. Hanggang sa makarating siya sa dining area. “Magandang umaga po,” bati ni Kaytie kina Josephine at Lordan na abala sa pagkain. Sinagot ng huli ang kanyang pagbati, may matamis din na ngiti sa labi. Upang tuluyan mahawa siya. Habang ang matandang babae, piniling manahimik mula sa pwesto. Tamilmil naman sa pagka
Last Updated : 2026-01-10 Read more