MALALIM ang gabi, ang simoy ng hangin ay kaylamig. Ang maalat-alat na nalalanghap ko ngayon ay sariwa pa sa akin pang-amoy. Mula sa akin kinaroroonan yate, kitang-kita ko ang paglitaw ng bilog na buwan sa kalangitan.“It’s our wedding year anniversary, I’m glad we make it!” ani ko habang itinataas ang kopita ng red wine na aking iniinom sa mga sandaling iyon.Maang ko lamang pinagmamasdan ang maaliwalas na langit, patuloy sa pagkausap.Isang Taon na rin ang nakaraan, ng maikasal kami ng tuluyan ni Lordan. Ang lalaking pinangarap kong makasama.“Hai! Mahal, andito ka lang pala,” wikang bungad mula sa pinto ng cabin ng sinasakiyan namin yate ni Lordan. Halatang kagigising lang nito, dahil gulong-gulo pa ang may kahabaan niyang buhok.Matamis ko lamang siyang nginitian ng tuluyan niya kong malapitan at halikan sa noo.“Nagising lamang ako at hindi na nakatulog ulit pa. Kaya heto, napainom para antukin ulit,” nakangiti kong sabi rito. Kaagad pumulupot ang kanyang bisig mula sa akin.Mani
Last Updated : 2026-01-31 Read more