DAMIEN'S POINT OF VIEW Thanks to Fia. Salamat dahil sinamahan niya ako kagabi. Sa oras na akala ko malulunod na ako sa sobrang kalungkutan at kawalan, siya yung naging salbabida ko kahit panandalian lang. Hinayaan niya akong umiyak. Pinakinggan niya lahat ng kwento ko, lahat ng reklamo ko sa mundo, at lahat ng sakit na dinadala ko. Niyakap niya ako at sa simpleng yakap na 'yon... kahit papaano ay gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. Pero... hindi nawala. Hindi nawala yung sakit. Sa katunayan, araw-araw ay lumalala pa nga. Bawat araw na lumilipas, hirap na hirap akong magpatuloy. Gusto kong lumapit sa mag-ina ko, gusto kong yakapin sila, pero may pader na nakaharang. May utos na bawal akong lumapit. Bawal akong manggulo. Hindi ko na matiis. Hirap na hirap na ako. I miss them so much and it fucking kills me! Isang gabi, pinilit kong maging matino kahit saglit. hindi ako uminom. Dumaan ako sa bahay nila Andrea. Nasa malayo lang ako, nakatago at nakamasid. Gusto ko silan
Huling Na-update : 2026-04-22 Magbasa pa