Sa wakas, kasal na ulit si Damien. At para ipagdiwang ang kanilang pag-iisa, dinala niya ang bagong asawa sa paraiso.ang Maldives.Isang pribadong villa na nakataas sa ibabaw ng asul na karagatan. Puti ang buhangin, malinaw ang tubig, at walang ibang tao kundi sila lang dalawa. Walang trabaho, walang ospital, walang problema. Puro lang saya, pagmamahal, at walang humpay na oras para sa isa't isa.Ginawa nila ang lahat para sulitin ang bawat sandali.Sa umaga, gigising sila sa tunog ng hampas ng alon at sasalubungin sila ng sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana. Maglalakad sila nang nakayakap sa isa't isa sa pino at puting buhangin, magsu-snorkeling sa malinaw na tubig kung saan kitang-kita ang mga makukulay na isda at korales, at magka-island hopping gamit ang sarili nilang bangka.Sa tanghali, doon sila kakain sa ilalim ng lilim ng mga puno, may mga waiter na nagsisilbi ng pinakamasasarap at preskong pagkain. At sa hapon, doon sila magpapalipas ng oras sa infinity pool na
Huling Na-update : 2026-04-24 Magbasa pa