Andrea’s POV Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, ayaw talaga akong kausapin ni Damien. Kahit yata mamatay pa ako sa harap niya kaya niya akong tiisin. grabe, sana all madaling maka-move on. Dalawang araw akong naghintay sa labas ng mansyon nila. Umulan man o sumikat ang araw, nandoon lang ako. Sumigaw ako, nagmakaawa ako, ginawa ko lahat para mapansin niya lang ako. Nandoon na nga at nahimatay pa ako. Pero ni isang anino niya, hindi ko man lang nasilip. Ni isang salita, wala akong narinig mula sa kanya. Suko na ako. Oo, tanggap ko na. Ramdam na ramdam ko na ngayon yung klase ng sakit na pinaranas ko sa kaniya noon. Yung sakit na binalewala, yung sakit na itinakwil at ipinagpalit. Dati, siya yung nasa pwesto ko. Siya yung lumalaban, siya yung nagmamakaawa habang ako yung nanigas at nanlamig. At ngayon... ngayon, binaliktad na ng tadhana ang mundo namin. Ako na yung naghahabol, ako na yung gutom sa atensyon niya, at siya na yung matigas at walang pakialam. Dahil sa s
Última atualização : 2026-04-27 Ler mais