DAMIEN'S POINT OF VIEW Wala siyang choice. Hindi siya pwedeng bumaba nang ganoon lang, hubad at walang saplot. Kaya nanahimik na lang siya at sumama. Sumakay siya sa tabi ko at tahimik kaming nagbiyahe papunta sa mansyon ko. Safe naman kaming nakarating kahit medyo delikado ang pagmamaneho ko dahil sa tama ng alak at antok. Pagdating doon, inalalayan niya ako. Ramdam ko ang pag-aalala sa kilos niya kahit kanina lang ay nagtatalo kami. Inakay niya ako paakyat ng hagdan at hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Nahiga ako at parang nawala ang lakas ko. Naramdaman ko ang paghipo ng kamay niya sa noo ko at sa leeg ko. "Inaapoy ka ng lagnat, Dok," rinig kong bulong niya. Dahil doon, kumilos siya. Kumuha siya ng palanggana, tubig, at tuwalya. At sa loob ng mahabang panahon... pinunasan niya ako. Dahan-dahan, maingat, parang inaalagaan ang isang bata. Pinapalamig niya ang katawan ko para bumaba ang init at lagnat ko. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nakakaginhawa. Pero bigla
Huling Na-update : 2026-04-22 Magbasa pa