Islaine's Point of View “Naghintay ako sa bahay kanina. Tapos noong anong oras na at wala ka pa, pumasok na lang ako,” pagsisimula ni Coraleene sa kaniyang kuwento. Kagagaling niya lang sa trabaho at dumiretso siya rito sa bahay para kunustahin ako. Nakaupo siya ngayon dito sa tabi ko, samantalang ako naman ay nakahiga pa rin. “Nagtatanong sila sa akin kung nasaan ka. Kung hindi pa pumunta sa resort si Mang Brendan, hindi naming malalamang nagkasakit ka pala.” Maayos na ang pakiramdam ko dahil nakainom na ako ng gamot. Walang tindahang mapagbilhan si Uncle Nereus, pero nakahingi siya ng gamot kay Perseus. “I wasn't expecting this. Akala ko 'di ako tatablan ng sakit,” wika ko naman. “Salamat pala sa pagbisita.” “So, bukas? Papasok ka na?” tanong niya sa akin, hinihimas ang aking kamay. I forced a smile. “Hindi ko pa alam. Pero malaki ang chance na pumasok na ako bukas.” “Alam mo na sa susunod, ha? Huwag ka nang magpapabasa sa ulan,” paalala ni Coraleene. Kung marinig 'to ni Uncle
Terakhir Diperbarui : 2025-12-23 Baca selengkapnya