Nereus' Point of View Nangalahati na kami sa pangalawang bote ng alak na iniinom namin. Masarap, totoo iyon. Pero iba rin ang tama nito. I didn't check the alcohol content, but it surely did get into my system quickly. Baka dahil kulang ng liwanag dito sa loob? Nakapatay kasi ang ilaw dito. Pero dahil nakabukas naman ang solar lights niya sa labas at sa isang posteng malapit sa bahay niya, pumapasok ang liwanag no'n sa dalawang magkabilang bintana. Ang bintana niya kasi ay parang grid—gawa lang sa bamboo splints, lipak kung tawagin dito, na patayo at pahigang pinagpatong. May kurtina naman, pero kanipisan lang iyon. Hindi naman siya natatakot na masilipan dahil may kalayuan ito sa kasunod nitong bahay. Kumpara sa bahay na tinitirhan ko, 'di hamak na mas malaki ang sa akin. Dito kasi, pagpasok mo, makikita mo na kaagad ang lahat—ang higaan, ang upuang kahoy, ang pabilog na mesa, aparador at iba pang pangunahing kagamitan sa bahay. Tapos sa pinakadulo naman ay ang pinto papunta sa ban
Terakhir Diperbarui : 2025-12-09 Baca selengkapnya