Islaine's Point of View Hindi ko alam kung hanggang kailan lalabanan ni Uncle Nereus ang alindog at init na naibibigay ko sa kaniya. I know that a part of him wants my body too—to touch me, feel me, own me. At hindi ako titigil hanggang sa bumigay siya. I don't care how long it will take. “Si Miss Darya, umuwi na?” tanong sa akin ni Coraleene habang naglalakad kami pauwi. Dito kami sa may dalampasigan dumaan dahil maganda ang sunset. “Hindi ko na siya nakikita.” Napatango naman ako, tuwang-tuwa dahil naalala ko na namang wala rito sa isla si Darya. Sana mas matagalan pa siya sa inaasikaso niya roon para ako lang ang babaeng nasa buhay ni Uncle Nereus. “Mga dalawa o apat na araw na 'ata,” sagot ko pa, hindi sigurado. Nakalimutan ko na rin dahil nakatuon ang atensyon ko sa pang-aakit kay Uncle Nereus. “Sayang nga, e. Wala na akong immunity. Basta kasi kausap ko siya, walang nakakaangal kahit na wala akong ginagawa.” I lied. Hindi ako nanghihinayang. Okay lang maging abala ako sa t
Terakhir Diperbarui : 2025-12-18 Baca selengkapnya