Islaine's Point of ViewDinig ang hiyawan at tawanan ng mga taong nakikisabay sa tugtog ng live band. Maliban sa ingay ng mga tao, para silang mga langgam na hindi mapakali—papunta sa iba't ibang direksyon, habang may bitbit na mga plato. Hindi coordinated at organized ang nasasaksihan ko. Magulo, pero makikita sa mukha ng mga tao ang saya, randam na randam ang selebrasyon ng pista.Ang mga narito ay hindi lang ang guests ng resort, maging ang ilang mga taga-isla rin na walang kakayahang maghanda ng pagkain para sa pista. Kanina ko lang din nalaman kay Chris na wala pala talagang babayaran at libre lang ang lahat ng pagkain ngayon dito. Ngunit kapag nakakuha ka na, hindi ka na puwedeng bumalik. At kapag maubos na ang libreng pagkain, ubos na talaga. Hindi na magluluto ng bagong pagkain.“Hindi kaya malugi sina Perseus nito?” tanong ko sa kaniya, habang sinusuong ang mga masasayang tao.Napailing naman siya. Hindi niya ako nilingon, pero sumagot siya.“Dahil sa pagdagsa ng mga turista,
Last Updated : 2026-01-16 Read more