MALAKAS ang pagbagsak ng ulan, ang mga tao ay nag-uunahan makasakay upang makauwi sa kanikanilang mga tahanan. Biyernes na ng gabi, halos hindi na gumalaw ang mga sasakyan sa kalsada dahil lubog na sa baha ang ibang kalsada.Inilabas niya ang kamay at hinayaan mabasa ito ng ulan. Dalawang lingo na ang lumipas magmula ng umalis si Kayde, madalas siya nitong i-update pero iba pa rin sa tuwing kasama niya ito at nakakausap ng harapan. Kaunting tiis na lang, dalawa o tatlong linggo na lang at uuwi na rin ang binata.“Kung kailan iniwan ko ang sasakyan, saka umulan.” Reklamo niya bago sunod-sunod na napabuntong hininga. Muling pumasok sa building at na-upo sa gilid kung saan marami rin ang nagpapatila.Makalipas ang dalawang linggo, nawala sa isipan niya ang singsing at tuluyan na hindi umasa ng makitang walang balak na magpropose sa kaniya si Kayde uli.“Bambs, gusto mo ba sumabay sa amin?” Nilingon niya si Angela, nasa tapat ng taxi kasama ang mga kaibigan. Lahat ay nakatingin sa kaniya.
Huling Na-update : 2026-02-07 Magbasa pa