"That's great, anak," masaya nitong sabi. "Does that mean uuwi ka na rito sa atin?"Napailing siya habang natatawa. "Never, Dad! I never said that!"Tumawa rin ito sa kabilang linya. Kahit hindi nila sabihin nang direkta, pareho nilang alam ang ibig sabihin ng pagtanggi niyang iyon... alam ng kanyang daddy na hindi pa siya handang harapin si Kieran, at bilang ama, ginagalang nito ang desisyon niya.Maging sa mga pag-uusap nila ay hindi nito kailanman binabanggit ang pangalan ng lalaki. Alam niyang gusto nitong kumustahin ang sitwasyon nilang dalawa, ngunit pinipili nitong manahimik para hindi siya mailang."Ganoon ba..." natatawa nitong sabi. "Siguro nga mas mabuti pang huwag muna sa ngayon."Napangiti siya."Anyway," pagpapatuloy ng ama, "I called because I need you to do something for me."Napakunot-noo siya."Ano 'yon, Dad?""Tamang-tama dahil resigned ka na. I need you to attend a convention."Agad siyang napasimangot. "Ayaw ko, Dad!"Sa totoo lang ay ayaw na niyang bumiyahe. Kaya
Read more