Nakauko siyang nagsalita, hindi pa rin niya kayang tingnan ito. Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Kieran.“No need... Aalis na rin ako.”Napatingin siya rito. Simple lang ang pagkakasabi nito, walang emosyon sa boses at iyon mismo ang lalong nagpabigat sa dibdib niya.Tahimik itong naglakad patungo sa pinto. Nang madaanan siya nito ay bahagya itong huminto. Akala niya ay may sasabihin ito, pero wala. Nagpatuloy lang si Kieran sa paglalakad, lumabas ito ng kuwarto nang hindi na muling lumingon sa kaniya.Naiwan siya na nakatayo roon. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may malamig na kamay na biglang pumiga sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito.Gusto niya itong tawagin, gusto niyang habulin, gusto niyang sabihin….Ano ba ang sasabihin niya?... Kieran, hindi iyon ang iniisip mo… wala akong gusto kay Logan! Napakagat siya sa loob ng kaniyang pisngi. Bakit kailangan niyang magpaliwanag, wala naman silang relasyon. Matagal na silang tapos, wala siyan
Baca selengkapnya