NIKITA'S POV:Kasalukuyan siyang nasa Paris Charles de Gaulle Airport, ang huling destinasyon bago muling mag-take off ang kanilang eroplano sa New York.Karaniwan, tuwing may layover sila sa Paris, siya pa ang unang nagyayayang mamasyal. Hindi mawawala ang pag-iikot sa mga boutique, pagbili ng mga bagong designer pieces, o kahit simpleng pag-upo sa isang café habang umiinom ng mainit na tsokolate at nakatingin sa Eiffel Tower. Fashion was her escape. Pero ngayon... wala siyang ganang gawin ang lahat ng iyon.Tahimik lang siyang nakaupo sa waiting area, nakayuko habang mahigpit na hawak ang paper cup ng maligamgam na tubig. Pilit niyang pinapakalma ang kumakalam na sikmura. Ilang minuto na naman siyang nilalabanan ng matinding pagsusuka at pagkahilo."Hey, sis! Hindi pa ba tayo aalis?"Napalingon siya sa kanyang kaibigang si Julia, kapwa niya Filipina at isa ring flight attendant. Sa lahat ng crew members, ito ang pinakamalapit sa kanya. Magkasama sila sa halos lahat ng international
Read more