“But this table will do,” sabat niya. “No other tables anyway.”Saglit siyang tiningnan ni Nikita ngunit hindi ito nagsalita.Tumango ang lalaki. “If you're ready to order, just call me, Miss Nikita, okay?”“Sure. Thanks, Roger.”Mabilis na umalis ang lalaki, halatang nahihiya pa rin sa maling akala nito.Hinila niya ang upuan para kay Nikita. “Here.”Nang magawa iyon ay saka lang niya naisip na baka hindi niya dapat ginawa. Damn! Paano kung bigyan na naman iyon ng ibang kahulugan ni Nikita?Ngunit wala naman itong sinabi, tahimik lang itong umupo.“Thanks,” mahinang sabi nito.Tumango siya at naupo sa tapat nito.Sa labas ay kalmado lang siya, ngunit deep inside, hindi niya maipaliwanag ang kaba. Sabay silang kakain ni Nikita... silang dalawa lang. Kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na mangyayari iyon.Kinuha niya ang menu at kunwari ay abalang nagbasa. “Ano ang specialty nila dito, Niks?”Sinikap niyang gawing normal ang boses.“If you want steak, masarap ang steak nila dito.”
Read more