Pagdating nila sa tapat ng kanyang silid, saglit silang parehong tumigil. Hindi agad umalis si Kieran, nanatili ito sa tabi niya habang kinukuha niya ang keycard at binubuksan ang pinto.Tahimik lang silang dalawa, pero para sa kanya, parang napakaraming salitang nakabitin sa pagitan nila... mga salitang pareho nilang hindi kayang simulan.“Pumasok ka na,” mahinang sabi ni Kieran. “Magpahinga ka. I know you’re tired.”Tumango lang siya. “O-okay... Good night.”“Good night, Niks.”Dahan-dahan siyang pumasok sa loob, pero bago tuluyang isara ang pinto ay minsan pa niyang sinulyapan ang lalaki. Naroon pa rin si Kieran, nakatayo lang ito sa hallway at nakatingin sa kanya.Sa isang saglit, gusto niyang pigilan ang pagsara ng pinto. Gusto niyang sabihin, huwag muna itong umalis, samahan muna siya... Pero hindi niya nagawa.Nahihiya siya. At higit sa lahat, hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang hilingin iyon kay Kieran matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan nila.Kaya marahan niy
Baca selengkapnya