Huminto ang mundo ni Kieran sa mga sandaling iyon.Hindi agad nakasagot si Nikita. Sa halip, marahan nitong inabot ang kamay ni Kieran at dahan-dahang ipinatong iyon sa kanyang tiyan."Sa tingin mo ba, magagawa kong biruin ka tungkol dito?" halos pabulong nitong sagot habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga pisngi.Napatitig si Kieran sa kamay nilang magkahawak. Pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang lahat ng ingay sa paligid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang lahat ng nangyayari.Paulit-ulit niyang hinanap sa mukha ni Nikita ang kahit katiting na senyales na nagsisinungaling ito, pero wala siyang nakita kundi matinding sakit, takot, at pagod."You aren't really joking, are you?" mahina niyang tanong.Hindi sumagot si Nikita. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak.Biglang nagsimulang magulo ang isip ni Kieran. Paano kung sinasabi lang ito ni Nikita dahil siya ang naroon? Paano kung wala lang t
Read more