KIERAN’S POV:Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Kieran. Hindi na niya tinangkang itago ang paghanga sa nobyang nasa harapan niya. Ilang araw din silang hindi nagkita, at ngayon ay halos hindi niya maialis ang mga mata rito.Kanina pa niya napansin si Nikita pagdating na pagdating pa lang niya. Kahit may kabuwanan na ito at nagdadalang-tao, hindi pa rin nawawala ang taglay nitong ganda at alindog. He missed her so much.“What?” muling tanong ni Nikita, halatang naiinis na. “Why are you looking at me like that, Kieran Del Torro?”Napangisi siya. Alam niyang galit ito dahil buong-buo na namang binanggit ang pangalan niya, pero hindi siya nagpatinag. Mas nanaig sa kanya ang nararamdaman, alam niyang kapag hindi niya iyon inilabas, mababaliw lang siya.Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at dinala iyon sa tiyan ni Nikita, marahang hinaplos ang umbok doon. “Kumusta na ang baby natin, wifey? Are you taking care of her?”Napangiwi si Nikita. “Her? Bakit, alam mo na ba na babae siya?”Mu
Read more