Nang matapos si Celestine sa pag-iimpake, saka naman siya naghanda. Nagpalit siya ng damit, inayos nang kaunti ang kanyang sarili, at kinuha ang handbag bago sila sabay na bumaba sa sala."Saan ka pupunta, Nikita?" nag-aalalang tanong ni Yaya Gloria nang makita silang may dalang maleta."Yaya, sasama muna ako kay Celestine. Magpapalamig lang ako.""Pero baka hanapin ka ni Sir Kieran pag-uwi niya."Napangiti siya nang mapait. "Hindi siya umuwi, Yaya. Kasama niya ang ibang babae, kaya wala akong pakialam kung hahanapin niya ako o hindi.""Pero, hija...""Wag mo na siyang kampihan, Yaya. Ako ang alaga mo, hindi siya." Bahagya niyang tinaasan ang boses. "Alam mong buong magdamag akong naghintay sa kanya. Pero hindi siya dumating. Ni hindi man lang siya tumawag para sabihing hindi siya makakauwi."Napayuko ang matanda. Alam nitong wala siyang masasabing makapagpapagaan sa loob ng dalaga. Nakita nito kung paano maghintay si Nikita mula pa kagabi. Ilang beses nitong sinubukang kumbinsihin an
Read more