Gusto niyang matutuhan din nitong lumapit sa kaniya, aminin ang pagkakamali kung kinakailangan, at makipag-usap sa halip na hayaang lumipas ang mga oras na hindi sila nagkikibuan. Hindi naman maaaring siya na lang palagi ang gagawa ng paraan.“Maybe this time, she should be the one to call first,” bulong niya, higit sa sarili kaysa sa kaibigan.Sandaling natahimik si Oliver bago napailing.“Bro, I get what you're saying. Pero hindi mo ba naisip na baka ganoon din ang iniisip niya ngayon? Baka naghihintay din siyang ikaw ang tumawag.”Napakagat siya sa loob ng pisngi. Posible... Posibleng naghihintay rin si Nikita sa kabilang linya, hawak ang cellphone nito, at umaasang siya ang unang magpaparamdam. Pero hindi ba iyon mismo ang problema? Bakit kailangan nilang pareho pang maghintay kung maaari naman silang mag-usap?Napailing siya upang iwaksi ang mga naiisip. No. Not this time. Kailangan niyang manindigan. Kung palagi na lang siyang susuko, paano matututuhan ni Nikita na may mga pagka
Read more