Alice“Anak, kamusta ka sa tinitirhan mo?” maingat na tanong ni Mommy habang naglalakad siya palapit sa akin. Nandito ako ngayon sa condo nila ng aking stepfather. Tuwing wala akong pasok sa school at sa kumpanya ni Lance, dito nila ako pinapa-stay lalo na kapag weekend kagaya ngayon. Tahimik, komportable, at amoy tahanan.“Sabihin mo lang kung nahihirapan ka, ha? You can always stay here,” dagdag niya, may lambing at halong pag-aalala sa boses.Natawa ako, hindi ko napigilan. “Paano naman akong magkakaroon ng kapatid kung dito ako titira?” biro ko, pero alam kong may konting totoo sa sinabi ko.“Alice,” sabi niya na may halong pamumula ng pisngi, “ano ba yang sinasabi mo?” Nahihiya siyang ngumiti, pero halatang-halata sa mga mata niya na parang gusto pa nga niyang marinig ulit ang salitang anak na hindi ako ang tinutukoy.Nilapag niya ang meryenda sa center table. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang pancake—golden brown, may konting usok pa—kasama ang malamig na mango jui
최신 업데이트 : 2026-03-28 더 보기