Alice Ilang araw na ang lumipas mula nang makarating ako sa penthouse ni Lance, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang kakaibang pakiramdam na nasa loob ako ng mundo niya. Isang mundong malayo sa simpleng buhay na nakasanayan ko. Ang penthouse sa gusali ng MobTech ay parang isang maliit na kaharian sa tuktok ng lungsod—malawak, tahimik, at napapalibutan ng salamin na bintanang tanaw ang buong skyline. Sa umaga, makikita ang araw na sumisikat sa pagitan ng matataas na gusali. Sa gabi naman, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang dagat ng mga bituin.
Last Updated : 2026-06-16 Read more