Pagbabalik tanaw ni Leon… Dalawang taon matapos nilang maghiwalay ng landas ni Renz. Nasa pagitan ng 20 at 21 anyos noon si Leon. Sa murang edad ay pinag-aaralan na niyang pamunuan ang negosyong naiwan ng ina. Aksidente niyang nakita ang isang dokumento sa opisina ng kanyang ama. Nasa ibang bansa noon si Subas. May hinahanap si Leon na mga papeles. Wala naman siyang balak mangialam. Pero nakita niya sa isang drawer ang isang lumang titulo kasama ng mga papel ng Uncle Reynaldo niya, ang ama ni Renz. Company Name: North Point Logistic, Inc. Registered Owner: Imelda Villanueva . Ang salitang Pier ay isang code name lang. Pero ang totoo, isa itong logistic company na ginagamit ng organisasyong ATLAS. At ang kumpanyang yun ay ang North Point Logistic, Inc. Isang legit na kumpanya na ang principal business activity ay Freight forwarding, port logistic, cargo handling, and supply chain services. Kumunot ang noo ni Leon nang mabasa ang pangalan ng ina ni Renz nung dalaga pa ito
Read more