Cacai POV Nang hapon yun pag-uwi ko galing school, diretsong higa na ako sa kama pagpasok ng kwarto. Hindi ako pagod pero parang ang bigat ng katawan ko. Kanina pang ganito ang pakiramdam ko school. Lutang, malayo ang tingin at kapag may bumabati ay parang wala ako sa sariling tumutugon. Kahit nasa unahan ang teacher, at nakaharap ako sa blackboard, si Leon ang naiisip ko. Kahit nandito na ako sa higaan ko, mukha pa rin ni Leon pa ang nakikita ko. Napapahawak ako sa labi ko. Tapos namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti. Sumubsob ako sa unan at yun ang aking pinanggigilan habang nakadapang nagpapapadyak. Hindi sa inis, kundi sa kilig. Saka impit na tumili. Tapos muli akong tumihaya at napatitig sa kisame habang yakap ko at nasa dibdib ko yung unan. Saka ako napatanong sa sarili. Kami na ba? Ilang beses na kaming nagkiss. So meaning.., kami na nga? Hindi ako mapakali. Nagpalit muna ako ng damit dahil naka-uniform pa ako. Tapos ay lumabas ako para hanapin si Dina. I
Read more