Alarm clock ang gumising sa kanya. Agad siyang bumangon para maghanda para sa pagpasok sa eskwela. Pagpasok niya sa banyo ay napatingin agad siya sa salamin. Kitang kita ang bahagyang pamumugto ng mata. Hindi naman sobra , pero mas malaki kesa sa normal. Maayos na ang pakiramdam niya. Hindi na siya kagaya kahapon na masyadong emosyonal. Madali naman kasing mawala ang galit niya. Pagkatapos nyang ayusin ang sarili para sa pagpasok ay nagtungo na siya sa kusina para mag-almusal. Doon ay nadatnan niya ang iba pa na kumakain na. Ramdam niyang nasa kanya ang atensyon ng mga ito kahit walang sinasabi. Hindi yun nanghuhusga pero nakikiramdam. Malamang ay dahil sa nakita ng mga itong pagtakbo niya papasok ng mansyon kahapon, habang malakas ang boses na tinatawag siya ni Leon. Si Dina ay kausap niya habang sakay sila ng service papunta sa school pero wala naman itong binabanggit tungkol sa nangyari kahapon. Yun ang dahilan kung bakit sa kabila ng mga hindi magagandang nagyayari, maga
Terakhir Diperbarui : 2026-01-23 Baca selengkapnya