Cacai POV Kinabukasan… Linggo, pero kung pwede nga lang sana ay Lunes na para pagising ko ay diretso na sa eskwela. Hindi gaya ngayon na hindi ko maiiwasang bumaba, baka makasalubong ko si Leon, nakakahiya. Kagabi ay hindi ako dinalaw ng antok, kaiisip sa unang halik na yun. Hanggang ngayon nga ay parang nararamdaman ko pa na gumagalaw ang labi ni Leon. At yun ang nakakahiya, dahil sa halip na itulak ko siya kagabi ay yumakap pa ako sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung paano haharap kay Leon. Kaya naman nang bumaba ay pasilip silip ako para siguraduhing wala siya sa paligid. “Gigisingin pa sana kita. Mag-almusal ka na’t nakahain na.” sabi ni Manang ng makasalubong ko siya sa hagdan. Tumango ako at tahimik na naglakad at sumunod kay Manang. Lumingon siya sa akin. “Sa veranda ka dumiretso, nakahain na dun ang almusal.” aniya. “Po?” “Bilisan mo at kanina ka pa hinihintay ni Leon.” “Bakit po?” tanong ko at binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi siya sumagot at basta na lang
Huling Na-update : 2026-01-19 Magbasa pa