Ramdam ni Cacai sa boses ni Leon na hindi ito nagbibiro. At may kung anong kilabot ang gumapang sa kanyang katawan. Pero yun ay kilabot na may dalang kiliti at antipasyon sa pwede pang mangyari o iparamdam ni Leon ng higit pa sa ipinadama nito nung una.Paano kung totohanin nga nito yun. Babagsak na ba ang Bataan niya? O magmamatigas muna siya?Nahinto siya sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay si Leon na naman yun pero tingnan niya ang screen ay ang number pala ng Papa nya yun.Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.“Pa, pasensya na po. Tatawagan ko na po dapat kayo, naunahan nyo lang ako.” sabi niya kay Benito.“No worries. Anak, kumusta ka na dyan?” panimula nito.Nagsimula na nga ang pag- uusap nila sa kumustahan. Hanggang sa mauwi sa Ate Victoria niya ang usapan.“Pasensya ka na, Iska. Pati ikaw nadamay sa problema namin.” hinging paumanhin ng kanyang ama.“Sa tingin nyo po ba, babalik pa si Ate?” Umiling iling si Benito kahit hindi siya nakikita ng
Baca selengkapnya