“You have to stay focused.”Ang boses niya ay mababa, may bigat...isang utos na parang humihigop sa hangin at bumabalot sa utak ko. Sa loob ng Senate chamber, habang nakatayo siya sa podium at pinapakinggan ng bansa, ramdam ko ang lahat ng inaasahan, lahat ng responsibilidad, at lahat ng lihim na hindi niya kayang ipakita sa publiko.Martin Del Rivas...ang taong buong mundo ay nakatingin bilang lider, bilang simbolo ng kapangyarihan, bilang perpektong presidente. Sa mata ng marami, siya ay disiplina, karisma, at tiwala. Ngunit sa likod ng ilaw, sa bawat biro o ngiti na pinipilit niyang ipakita sa mga senador, may malamig at mapang-api na mundo siyang hindi ipinapakita sa iba.At ako, nakatayo sa gilid ng gallery, alam ko ang lihim na iyon. Alam ko ang paraan niya sa West Wing...ang ritwal ng kontrol, ng parusa, ng pagmamay-ari sa akin. Ngayon, habang nakatingin siya sa mga mata ng kanyang mga katrabaho at mamamayan, pinipilit niyang itago iyon. Pero ramdam ko...ramdam niya rin na
Last Updated : 2026-01-20 Read more