“Stay where I can see you.”Hindi ko alam kung kailan nagsimula, ngunit sa bawat araw sa West Wing, natutunan kong ang tanikala niya ay hindi gawa sa bakal o bakal na posas. Hindi ko rin ramdam ang mga padlocks sa aking mga pulso o paa. Ngunit naroon ang bawat galaw ko, bawat hininga ko, bawat pagpikit at pagbukas ng aking mga mata—ang tanikala ay gawa sa utos, takot, at ang malamig niyang presensya.“Sit there. Don’t move.”Lumiko ako, humarap sa kanya, at pakiramdam ko’y bawat buhok ko ay sinusuri, bawat titig ko ay iniinspeksyon. Ang dating mansion, na dati’y simbolo ng kalayaan at yaman, ay naging kulungan. Kulungan na punong-puno ng halimuyak ng kapangyarihan, obsession, at kontrol.Lumapit siya, hindi upang hawakan ako, ngunit sapat ang distansya upang ipadama na hindi ako makakatakas sa kanyang pagbabantay.“Do you understand why I watch you? Every thought, every breath—you belong to me.”Hindi ko nasagot. Ang simpleng sagot ay maaaring mali. Ang
Terakhir Diperbarui : 2026-01-22 Baca selengkapnya