Mahigpit ang yakap ni Edward sa kanya—para bang magkasintahan talaga sila. Kung makayakap naman, kala mo mahal mo ’ko, bulong ni Emma nang siya ang unang nagising kinabukasan.Tahimik ang buong kwarto. Si Edward, mahimbing pa ang tulog. Dahil doon, malaya niyang napagmamasdan ang mukha ng lalaki—ang matangos nitong ilong, makapal na kilay,ang maamo pero lalaking-lalaki na panga, at ang bahagyang pagkakunot ng noo nito habang natutulog.Fake,, lahat ’to peke lang, paalala ni Emma sa sarili.Napabuga siya ng hangin, bahagyang umiiling.“’Yan ka kasi,,, babaero ka.! Hindi MAKONTENTO Sa isa,” mahinang dagdag nito, na Hindi namalayan napalakas Ang boses nito sa huling salita.Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, may kung anong kirot sa dibdib niya habang nakikita ang payapang mukha ni Edward—para bang may isang bahagi sa kanya ang ayaw maniwalang peke lang lahat.“Anong hindi makontento?” paos at antok na tanong ni Edward, hindi inaalis ang braso sa pagkakayakap sa kanya.
Last Updated : 2026-01-05 Read more