Nagising si Emma sa mahinang liwanag ng umaga na sumisilip sa kurtina. Mabigat ang talukap ng mata niya, parang buong gabi siyang nakipaglaban sa mga alaala. Bahagya siyang bumangon, isang kamay ay agad napunta sa tiyan niya, parang awtomatikong hinahanap ang tibok ng buhay na nagbibigay sa kanya ng dahilan para huminga araw-araw.“Good morning, baby,” mahinang bulong niya, pilit ngumiti kahit may kirot pa rin sa dibdib.Sa sala, naroon si Eddie. Nakaupo sa upuan, nakasandal ang ulo sa pader, halatang hindi halos natulog. May kumot na nakapatong sa balikat niya, at sa tabi ay isang basong hindi pa nauubos ang tubig.“Gising ka na?” agad niyang tanong nang marinig ang yapak ni Emma. Mabilis siyang tumayo. “Okay ka lang ba?”Tumango si Emma, kahit alam niyang hindi pa buo ang sagot. “Medyo… mas okay,” wika niya. “Salamat sa pag-stay kagabi.”“Walang anuman,” sagot ni Eddie, banayad ang tinig. “Hindi kita iiwan sa ganitong sitwasyon.”Saglit silang na tahimik. Sa katahimikan iyon, mas ma
Terakhir Diperbarui : 2026-01-28 Baca selengkapnya