Nasa mall ako kasama ang mama ni Edward.“Iha, try mo ito,” masiglang saad ng ginang habang inaabot sa akin ang isang dress.“Tita, ang dami n’yo na pong nabili sa akin. Sa tingin ko, sapat na po ito,” nahihiya kong sagot.“Naku, kaunti pa lang ‘yan. Sige na, pumili ka pa,” giit niya.Wala na akong nagawa kundi sumunod. Pagkatapos ng mga damit, bumili pa kami ng sapatos. Halos sampung paper bag na ang bitbit ng kasamang katulong. Hindi ko maiwasang humanga sa kabaitan ng mama ni Edward. Binilhan pa niya ako ng alahas.Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan ang lahat ng iyon dahil may mga gamit na rin ako sa apartment. Pero dahil siya ang nag-aalok, pumayag na lang ako. Kanina pa ako tumatanggi, pero wala rin namang saysay.Matapos kaming mamili, pumasok kami sa isang salon.“Miss, pagandahin mo ang daughter-in-law ko,” proud na sabi ng ginang.Napatigil ako. Biglang sumiksik sa dibdib ko ang kakaibang emosyon. Para bang totoong anak na ang turing niya sa akin. Nakonsensya ako. Akala
Last Updated : 2025-12-23 Read more