Kinakabahan na si Edwin. Halos isang buong araw na rin mula nang mawala si Elise, at bawat oras ay parang nagiging habambuhay sa kanya. Kahit anong pilit niyang kalmahin ang sarili ay hindi niya maiwasang mangamba. Ang mga tawag sa telepono ay hindi sapat. Gusto niyang makita, maramdaman, at siguraduhing ligtas siya. Hindi niya na kayang maghintay, kaya kusa niyang sinuot ang kanyang paboritong suit at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya ito, bawat segundo ay tila nagiging mabigat habang papalapit siya sa squatter’s area kung saan naninirahan ang pamilya ni Elise.Tumunog ang kanyang kamao sa pinto. “Tao po,” mahinang sabi niya.Hindi nagtagal, lumapit ang maliit na anino ng bata na si Julius, anak ni Elise. “Tito Edwin, kumusta po? Tuloy po kayo.” Agad niya itong pinagbuksan ng pinto, sabay nagmano at pinatuloy sa loob.Napangiti siya sa simpleng galaw ng bata. Napakabait, napakasipag na tila’y isang batang kahanga-hanga kahit sa murang edad. Ngunit hindi niya maiwasang mairita ng ka
最終更新日 : 2026-01-17 続きを読む