Pagkarating nina Elise at Neil sa bahay ay pareho silang natigilan. Naroon si Shamcey sa sala, halos hindi na makilala dahil sa iyak. Namumugto ang mga mata niya, parang ilang oras nang umiiyak nang walang tigil.“Oh! Sa’n kayo nanggaling?” bungad ni Patricia habang inaabot ang baso sa mesa. “Ang tagal naghihintay ng girlfriend mo, Neil.” May diin ang tono niya. Iyong tipong hindi sinasadya pero ramdam mo agad ang bigat.“Ang bait niya, anak,” dagdag pa nito. “Siya pala ‘yong kaagawan ni Elise sa rangko noon sa elementary. Ang bait niya talaga.” At lalo pang tumaas ang kilay ni Elise nang sabihin ng mama niya,“Nasabi ko rin sa kanya na hindi kayo tunay na magkapatid.”Parang may kamandag ang bawat salita. Kahit walang sinabi si Elise, ramdam ang selos na biglang kumirot sa dibdib niya. Kaya nagpaalam siya agad at umakyat sa kuwarto nang hindi lumilingon.“Ma, may pag-uusapan kami ni Shamcey,” sabi ni Neil. May lalim ang boses niya na parang may bagyo sa loob niya na hindi niya ma
最終更新日 : 2025-12-18 続きを読む