Nang pagkasabi na pagkasabi ni Elise kay Ednel tungkol sa anak niya ay parang nanghina siya. Gusto niyang magwala kung bakit pinaglalaruan siya ng tadhana.Ano ba'ng mayro'n ang babaeng ito na lagi niya ako pinapahirapan tuwing nagkakasama kami?"Puwede na siguro n'yo ako iwan, Sir Ednel," sabi ng babae."Bakit ko gagawin 'yon? Eh, hindi mo pa nga ako napagbibigyan patungkol kay Edwin."Tumayo ang dalaga at dali-daling niligpit ang mat, saka pinatay ang isa pang kandila sa puntod."Okay, dahil makulit ka, pagbibigyan na po kita, Sir Ednel. Tutal, nagsimula na po siyang manligaw sa akin, si Edwin, ay pagbibigyan ko siya."Kumuyom ang kanyang mga kamao na pinipilit niyang itago sa kanyang bulsa, bumuntong-hininga at nagsalita, "Paano naman iyong puntod na 'yan? Akala ko ba'y mahal mo 'yong lalaki sa puntod na iyan? Does that mean, you're a...?""Patay na po si Kuya Neil at panahon na rin po, para maging malaya na ako. Tama ka, Sir Ednel. Hindi mahirap mahalin si Edwin. Mahal ko siya dah
Última actualización : 2026-01-07 Leer más