Pagdating ni Elise sa bahay nila ay napahinto siya sa bungad ng pinto, parang may mali sa ambiance. Tahimik ang sala, mas tahimik kaysa normal, at iyon pa lang ay sapat na para kabahan siya. Nakaupo sina Bong at Patricia nang maayos sa sofa, pareho pang tuwid ang likod na parang may photoshoot silang mag-asawa. Pareho ring nakangiti, ’yong tipong hindi mo alam kung good news ba ang dala nila o may balak kang ipahukay na kababalaghan."Ma, Pa, ano mayroon at magkasama pa kayong nakaabang diyan at nakangiti pero ’ala naman nginingitian?" tanong ni Elise habang inaabot pa pababa ang strap ng bag niya. Halata sa mukha ang pagkalito, at may halong kaba na rin kasi hindi sanay ang katawan niyang pinag-aabang siya ng mga magulang na parang contestant sa isang grand reveal."We’re just happy, hija, na malaki na ang baby girl namin," masayang pahayag ni Bong, na parang bigla siyang naging host ng graduation program."Super happy," dagdag ni Patricia, nangingintab ang mata sa kilig. "Lalo na na
最終更新日 : 2025-12-13 続きを読む