Biglang bumitiw sa pagkakayakap si Patricia sabay nagpaliwanag. "Anak, wala na ang Papa Bong mo.""Alam ko, Ma, pero ang mahalaga ay ikaw. Ikaw na naabutan ko pang malakas at buhay pa."Tumalikod sila at hinarap ang truck na pinagtataguan niya "Nakikita n'yo 'yan, Ma?""Bakit, ano'ng meron sa likod ng truck na 'yan?""D'yan ako unang nakita at nahanap ni Papa na nagtatago, d'yan sa likod ng truck na 'yan."Muling bumuhos ang luha ng matanda."Neil, patawarin mo kami sa aming nagawa sa 'yo. Hindi namin alam at hindi namin sinasad—" Hindi natuloy ang kanyang sinasabi matapos takpan ni Ednel ang kanyang bibig."Shh... Alam ko na ang lahat. Hindi n'yo na kailangan ipaliwanag pa at matagal ko na kayong pinatawad ni Papa Bong." Umiyak si Ednel pagkatapos niyang punasan ang kanyang mga luha.Hanggang sa bigla silang kinalabit ni Julius. "La, gutom na ako. Kailan tayo kakain? Tsaka iyong Leston ng sapatos ko, oh."Naiyak muli ang matanda sabay iniharap kay Ednel ang apo. "Neil, ito pala si Ju
Last Updated : 2026-01-24 Read more