Third Person POV “SAAN NGA pala kayo galing kanina?” tanong ng ina ni Devryck. Naabutan kasi nila ito sa bahay nila at napagdesisyunan ng mga ito na sabay-sabay na silang kakain. "Sa Lamar, Mom," sagot ni Devryck. "Anong ginawa ninyo doon? Eh bundok iyon, diba?" "Tour sa bundok, Mom. Di na nga kinaya ng asawa ko, nagpabuhat na." "Ang tarik po kasi, tapos po biglaan pa. Nakakahingal po. Di man lang po ako na-inform na ganun po pala iyon kataas. Mas mataas pa po sa ating lugar," saad niya. "Anak," napatingin siya sa ina ni Devryck. "Po?" "Pagkatapos dito ay magpahinga ka na. Tingin ko ay pagod na pagod ka na eh." "Paano po si Devryck, may shortcut po pala, tapos doon po ako idinaan sa matarik kanina," pagsusumbong niya pa. Sumakit kasi ang binti at hita niya sa akyatan na iyon. "Ikaw, Devryck, ha, kahit kailan ka talaga," iling-iling na sabi ng ina nito. Nang matapos kumain ay agad na silang umakyat pareho. “Love,” tawag niya dito nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa
Read more