Third Person POV PAGGISING NIYA kinaumagahan ay wala na ito, yet his scent lingered on her nostrils. Yakap niya ang unan nito na may cover ng isa nitong t-shirt. Mukhang pinaliguan nito iyon ng kanyang cologne. May nakita pa siyang note sa may bedside table. ‘Take care, wait for me. I’m gonna miss you, love. —Your handsome husband.’ Nagbihis na siya at bumaba. “Manang Regina, anong oras po umalis ang asawa ko?” “Kaninang alas-singko, ineng. Hindi pa ba tumatawag sa iyo?” umiling na lang siya; seven pa lang naman, baka may inaayos pa ito. “Nag-almusal po ba ang asawa ko bago siya umalis?” “Nagkape lang ang asawa mo, ineng.” “Uy!! Si Mayora, miss na agad si Mayor.” panunukso pa nitong si Ate Jona sa kanya. “Uy, masasanay ka rin. Sa umpisa lang ganyan, pero sa susunod ay okay na. Hamo, maganda yang record ni Mayor.” nginitian na lang niya ito. “Naku, Ysa anak, mag-almusal ka na at pihado namang mamaya ay tatawag na ang asawa mo.” Parang nagdilang-anghel si Manang Regina; tama
Read more