Ralia POVPagkatapos ng shooting nila, nag-aya si Jason sa bahay nila. Wala naman kaming ibang gagawin ni Aleron, kaya sumama na rin kami.Nakasakay na ako sa sasakyan ko. Kani-kaniya kaming dala ng sasakyan. Nasa unahan si Jason, ako ang nasa gitna, at sa huli ay si Aleron.Hindi namin alam kung anong mayroon at nag-aya si Jason sa bahay nila. Madalang mangyari ‘yon, kaya pinatulan na namin ni Aleron. Bulong pa nga sa akin ni Aleron, hindi raw nag-aaya si Jason sa bahay nila, ngayon lang daw, kaya pumayag na raw kami. Heto, pagka-aya niya kanina nung nasa clinic pa kami, pumayag na kami pareho.Sandali lang ang biyahe, after ng twenty minutes, nakarating na rin kami sa village nila Jason. Pagdating sa malaking gate, nakita agad namin ang puting-puting villa niya. Ang cute, lowkey lang si Jason, pero mayaman na rin pala ito.“Grabe, ang ganda pala ng bahay ninyo, Jason,” bati ko agad sa kaniya, pagbaba ko ng kotse ko.Napakamot siya ng ulo. Parang nahihiya pa. “Naku, Ralia, wala ‘yan
Last Updated : 2026-01-22 Read more