"Careful, dahan-dahan lang," ani Rebecca habang inalalayan ang asawa na makatayo sa wheelchair nito. "Thank you, sweetheart for all the care," ani Zards kay Rebecca.Ngumiti si Rebecca ng marinig iyon mula sa asawa. "Of course, this is my duty as your lawful wife, sweetie." Hinapit ni Zards ang asawa sa maliit nitong bewang ng tuluyan na siyang makatayo. "I love you, sweetie," madamdaming usal ni Zards. "I love you always, Zards," ani Rebecca sa asawa, niyakap niya ito ng buong-higpit. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Kahit pa nga nakalimutan nito ang kanilang mga anak. Nagulat si Rebecca ng maramdaman ang mainit na likido sa kanyang kaliwang balikat, patunay na lumuluha ang kanyang asawa."Sshhh..., tahan na, nandito lang ako, sweetheart, kakayanin natin ito, maalala mo rin ang mga anak natin, ngunit, kung hindi man ipagkaloob ng Dios, pwede mo naman silang kilalanin, let's build a new memories. Always remember, mahal na mahal ka namin ng mga anak mo," ani Rebecca, medyo pum
Read More