Hinatid ako Oliver sa bahay at nang bumaba ako ay bumaba rin ito."Salamat, Mr. Miller," Sabi ko dito kaya tumango lang ito at saka na ako pinapasok sa gate.Napatingin pa ako dito habang papaalis ang sinasakyan nito.Ang sinabi nito kanina sa pagbanggit sa pagkawala ng ina at kapatid nito ay hindi maalis sa isip ko.Alam ko na hangang ngayon ay galit pa rin ito sa mga nangyari, hindi ko ito masisisi.Ako lang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon, at alam ko kung gaano kahirap para dito ang mawalan ng mahal sa buhay."Hija, bakit hindi ka pa pumasok?" Napatingin ako kay manang na may bitbit na plastic bag na basura marahil ang laman."Papasok na po ako, akin na po yan mukhang mabigat." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito."Basura lang yan hija, ano ka ba hindi mo na ako dapat tinutulungan." Sabi nito pero kinuha ko pa rin ito at ako na ang naglagay sa garbage bin na nasa gilid lang naman ng gate.Pagbalik ko ay hinintay pa rin ako ni manang kaya napangiti ako."Kumain ka na ba?" Tanong ni
Last Updated : 2025-12-04 Read more