Beg Me, Mr. Miller

Beg Me, Mr. Miller

last updateHuling Na-update : 2026-08-06
By:  SeirinskyIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
6Mga Kabanata
5views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Pinakasalan ni Amira si Oliver Miller kapalit ng utang ng kanyang ama sa lalaki. Ang akala niya ay matatapos na ang paghihirap niya na naranasan sa sariling pamilya, ngunit lalo lang itong lumala. Ang pamilya ng kanyang asawa ay inapi siya at pinamukha sa kanya na isa lang siyang mababang uri na babae na pinambayad utang lang ng kanyang ama. Higit pa dito ay ang kawalan ng pakialam sa kanya ng kanyang asawa, kaya lalo niyang kinaawaan ang sarili dahil wala siyang magawa laban sa mga ito. Hangang isang araw pinagtangkaan siyang patayin ng pamilya ng asawa at nang magtagumpay sila ay napuno na ng galit at pagkamuhi ang puso ni Amira. Naging dahilan rin ito ng pagkawala ng pinakamamahal niyang anak. Nang mabigyan siya ng pagkakataon na muling mabuhay ay handa na siyang maghiganti laban sa mga taong naging dahilan ng pagkamiserable ng buhay niya. Muli siyang babangon at maghihiganti sa lahat ng taong nanakit sa kanya, isa na dito ang kanyang asawa. Ngunit si Oliver Miller ay biglang nagbago at muling nakiusap na bumalik siya dito, ngunit huli na ang lahat. "Beg for me, Mr. Miller. This is the only way to get me back again to you." Ilang salita ngunit puno ng galit sa kanyang puso ang kanyang sinabi sa lalaki. Mapapatawad ba niya ang lalaking minsan niyang minahal ng lubos o mananatiling matigas ang puso niyang sinubok na ng panahon.

view more

Kabanata 1

Prologue

Naglalaro ang isang batang babae sa dalampasigan ng makuha ng binatilyong si Oliver Miller ang atensyon nito.

Sa pagkakatanda niya ay pribadong lupain ang lugar na ito, pero bakit ito nandito?

Hangang sa naalala niya na may bisita pala ang kanyang ama na isang pamilya.

Matalik itong kaibigan ng kanyang mga magulang kaya dito niya ito napagtanto.

Ikakasal kasi ang kapatid ng ama niya at sa lugar na ito gaganapin ang kasal, it was a beach wedding and to his dismay sa paglalakad-lakad niya ay may makikita siyang batang babae.

Masaya itong naglalaro at base sa nakikita niya ay namumulot ito ng sea shell at nababasa ang paa nito sa malumanay na alon ng dagat.

Ang pamilya Miller ay nagmula sa bansang Italia, kung saan ang lolo ni Oliver ay nakabili ng malawak na lupain dito sa bayan ng Batangas.

Nasa tabing dagat ito at kapag weekend o summer season ay nandito ang buong pamilya nila upang magpahinga sa trabaho sa Manila.

Napilitan lang siyang sumama dahil sa pakiusap ng kanyang abuela na hindi niya matangihan.

"Ano ka bang bata kanina pa kita hinahanap." Napatingin si Oliver sa isang babae na nasa tabi na ng batang babae.

"Namumulot po ako ng shell." Ang boses ng batang babae ay tila musika sa pandinig ni Oliver pero agad niya itong winaksi sa isip niya.

Umupo na lang siya habang nakatitig sa karagatan, pero ikinagulat niya na nasa harap na niya ang batang babae.

"Hello po kuya, Ikaw po si Kuya Oliver tama?" Tanong nito sa kanya kaya tumango lang siya.

Kilala siya nito dahil kaibigan niya ang isa sa kapatid nito, pero hindi naman niya tinangap na kaibigan ito.

"What are you doing?" Tanong niya dito kaya ngumiti ito at pinakita ang hawak na pulang shell.

"Namumulot po ako ng shell." Sabi nito kaya tumango lang ulit siya dito.

Sa huli sinundan niya ang batang babae, habang ang tila yaya nito ay sinabihan niya na siya na lang ang susunod sa bata.

Umupo ito sa lilim ng puno ng talisay at nagsimulang magpindot sa telepono nito.

"Tignan niyo po kuya." Napatingin siya sa batang babae na may pinakitang shell na naman sa kanya at saka nito ito nilagay sa bulsa nito.

Sa ilang sandali pa o ilang minuto ay nakasunod lang siya dito.

The girl is innocent and pure, malayo sa bagay na naiisip niya sa mga sandaling ito.

Ngayon malaki na ito at dalaga na. Lumaki nga talaga itong napakaganda.

Ito ang naaalala niyang tagpo sa pagitan nila ng anak ng mga Dela Serna, ilang beses niya lang nakita ang batang babae noon pero ngayon hindi siya makapaniwala na muli niyang makikita ang batang babae noon na ngayon ay lubos ng dalaga.

Kasosyo ng kanyang ama sa kumpanya ang mga Dela Serna, sa pagkakaalam niya ay tuluyan nang nalulugi ang kumpanya ng pamilyang ito.

At napakalaki na ng utang ni Rogelio Dela Serna sa kanyang ama at isa lang ang nakikinita niyang kapalit nito.

"Wala ka pang asawa Oliver, nasa trenta'y dos ka na at gusto kong pakasalan mo ang anak ni Rogelio kapalit ng utang niya sa atin." Ito ang sinabi ng kanyang ama sa harap niya kaya napakunot siya ng husto.

"Gagawin niyang pambayad utang ang anak niya sa akin?" Nakangisi niyang sabi sa ama na tumango sabay hithit ng siragilyo nito.

"Pakasalan mo ang anak niya, tapos ang usapan. Isa pa kasal lang naman ang gagawin mo kung magawa mong mahalin ang magiging asawa mo mas maganda magkakaroon ka na ng tagapagmana." Sabi nito sabay tawa kaya lalong nagalit si Oliver at agad na umalis sa harap ng ama na tila may nakitang paraan upang hindi siya makatangi.

Pero ang lahat ng ito ay may dahilan, pakakasalan niya ang babaeng iyon upang masira ang pamilyang dahilan kung bakit nawala ang kanyang ina.

Limang taon na ang nakakaraan mula ng mangyari ang trahedyang iyon, at ang mga Dela Serna ang may kagagawan ng lahat kung saan nawalan siya ng ina at kapatid.

Ang plano ng kanyang ama ay unti-unti nang nangyayari. Isa na dito ang pagkalubog sa utang ni Rogelio Dela Serna.

Sa napakabilis na panahon ay tila umaayon sa kanila ang lahat, but one thing is that the only daughter of this family will be their sacrifice.

Napatitig siya sa mukha ng babaeng ito, so this is now the girl before?

She's more prettier now, sa pagkakatanda niya ay dalawang pu't dalawang taong gulang na ito at nagtatrabaho sa isang restaurant.

Bakit hindi ito nagtatrabaho sa alinman sa mga negosyo ng pamilya nito?

Well kung ano man ang dahilang iyon, wala na siyang pakialam.

Marrying this woman is not even his concern.

When they got married everything is normal, until he doesn't care anymore for her.

Sa dalawang taon na pagsasama nila ni Amira, ni minsan hindi niya ito binigyan man lang ng pagkakataon na mapalapit sa kanya.

This woman is good in bed, sa naaalala niya nong unang beses niya itong angkinin ay birhen pa ito at walang kaalam-alam sa pakikipagtalik.

Pero sa nakalipas na panahon ng kanilang pagsasama ay tila na isa itong robot, kung ano ang gusto niya ay sinusunod nito.

Maging sa kanyang pamilya na kung apihin at ipahiya ito ay wala itong ginagawa upang ipagtangol ang sarili.

Hangang isang araw bigla itong nawala sa kanilang buhay, namatay ito kasama ng batang nasa sinapupunan nito.

Sa napakabilis na panahon ay tila natauhan siyang bigla.

Paanong nangyari ang ganitong bagay? Nawala si Amira ng napakabilis na panahon.

Ngunit isang lumang notebook nito ang aksidente niyang natuklasan sa luma nitong aparador.

Dito niya nalaman ang lahat ng mga pinagdaanan nito mula nong iuwi niya ito sa kanilang tahanan.

Ang lahat ng sakit at pagdurusa nito ay nakasulat sa bagay na ito, tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa bawat salitang nakasulat dito.

Puno iyon ng sakit pero puno rin ng pag-asa.

Dito niya napagtanto na minahal niya ang asawa sa kabila ng lahat.

Ngunit huli na ang lahat.

Pero isang araw bigla itong bumalik, ibang-iba na at sa hindi sinasadyang pagkakataon muli niyang hiniling na bumalik ito sa kanya.

Pero ang dating Amira na puno ng takot at pagmamakaawa ay ngayon puno na ng galit at pagkamuhi.

"Beg for me, Mr. Miller. Like you did to me back then. Baka sakaling mapatawad kita pero sa ginawa mo at ginawa ng pamilya mo sa akin? Napakaimposible!" Isang malamig at puno ng galit nitong turan sa harap ko.

How can this be happening? The woman whom i love but at the same time i hate is full of disgust to me now.

But i will not give up, babawiin ko ito at itatama ang lahat.

Kahit pa paulit-ulit akong lumuhod dito, gagawin ko dahil ito ang pinakamamahal kong babae.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
6 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status