LOGINKakauwi ko lang galing ng trabaho ng maabutan ko ang mga magulang ko na tila nagtatalo.
"Anong sinabi mo!? Nalulugi na ang kumpanya!" Ito agad ang narinig ko mula sa aking ina habang galit itong nakatitig sa aking ama. Kinabahan ako dahil tungkol sa negosyo ang pinag-aawayan ng dalawa. Ayoko man na makinig pero hindi ko mapigilan na hindi mag-usyoso sa mga ito. "Hija anong ginagawa mo diyan? Halika doon ka sa likod dumaan." Nagulat ako dahil nakita ko si Manang Rosa ang mayordoma namin. Sumunod ako dito na napahinga na lang ng malalim. "Narinig mo ba na nag-aaway na naman ang mga magulang mo?" Tanong ni manang nang makapasok kami sa dirty kitchen at saka ako napatingin dito at tumango. "Lagi na lang po silang nag-aaway." Bulong ko kaya napangiti lang ito at tinanong ako kung ano ang gusto kong kainin. Dahil hindi naman ako gaanong gutom dahil kumain ako bago umalis ng trabaho ay tsa-a at biscuit lang ang hiningi ko kay manang. Matapos kong mag-miryenda ay nagpaalam na ako kay manang na aakyat na ng kwarto ko. Sa kabilang hagdan pa rin ako dumaan dahil ayokong makita ako ng mga magulang ko na nasa sala pa rin. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong binaba ang bag ko at nagbibis. Nagtext ang kaibigan ko na nakahanap na raw ito ng malilipatan ko, kaya napangiti ako at nag-reply dito. Balak ko na kasing bumukod, dahil kumikita na rin ako ay pwede na akong magpaalam sa mga magulang ko. Well lagi naman na akong pinaparingan ng aking ina na kung kailan ba ako aalis ng bahay na ito. Kaka-graduate ko lang one year ago, at pagka-graduate ko ay naghanap agad ako ng trabaho. Sa isang restaurant ako nagtatrabaho bilang assistant chef, culinary arts ang natapos ko na pinaglaban ko sa pamilya ko. Lahat kasi sila ay sa business management ang linya ng trabaho, pero ako mas gusto kong magluto kaya culinary arts ang kinuha kong kurso sa kolehiyo. Buti na lang at tinulungan ako ng ninang ko na pinsan ni daddy na makahanap agad ng trabaho. I don't want to depend my family now, now that kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Matapos kong makipag-usap kay Sofia na matalik kong kaibigan mula pa nong highschool ay inayos ko na muna ang mga gamit ko. Unti-unti ko na kasing nililigpit ang mga importanteng bagay o damit na dadalhin ko. My family is rich, iyon naman ang taguri sa pamilya namin. My father has wine company and he owns several hotels and resorts here in the country and to all i know he also own a several hotels in Singapore, Taiwan and Korea. But what i heard from them a while ago, nalulugi na raw ang kumpanya. But how is that even happend? Ang alam ko naman ay stable naman ang lahat ng negosyo ng mga magulang ko. Pero i bet may mas malaking problema pa, tila nalululong na rin kasi sa sugal ang aking ama. May dalawa akong nakatatandang kapatid, parehong lalake si Kuya Aaron at Kuya Amiel na siyang humahawak ng ilan sa negosyo ng pamilya namin. My relationship between my family is not that good, lumaki kasi kaming malayo ang loob sa isa't isa. Well, sino ba ang tatangap sa akin gayong anak lang ako ng aking ama sa ibang babae. When i was just four months old, katulad ng kwento ni manang. Iniwan ako ng aking ina sa harap ng bahay namin at may kalakip na sulat na anak ako ng aking ama. Ang totoo kong ina ay isang dancer sa club sa Cebu kung saan ito nakilala ng aking ama. Nabuo ako sa unang pagkikita lang nila, while his wife she never said anything. She still take care of me even though i am not her real daughter. Hindi nga lang ito katulad ng totoong ina pero atlist tinangap at pinatira ako nito sa bahay nito. Sanay na rin naman kasi ito sa ugali at gawi ng aking ama na masyadong babaero. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagliligpit ko ng mga gamit ko. At napapitlag ako dahil may kumatok sa kwarto ko kaya inayos ko muna ang maleta ko bago ako pumunta sa p***o. "Ma'am Amira pinapatawag na ho kayo ni madam para sa hapunan." Sabi ng isa sa mga kasambahay namin kaya tumango ako dito at sinabi na susunod na lang ako. Isang seryoso at puno ng katahimikan ang nandito ngayon sa hapagkainan namin. Ang mga magulang ko, at ang dalawa kong kapatid na lalake ay tahimik na kumakain. Samantalang ako ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga sandaling ito. "Well, Rogelio hindi ka pa ba magsasalita?" Nawala lang ang katahimikan nang magsalita si mommy. "Patapusin mo munang kumain ang mga anak mo Elena!" Sabi ng aking ama kaya napaismid lang si mommy. Tila bombang sumabog sa harap ko ang sinabi ni daddy, ikakasal ako sa anak ng mga Miller. Ang pamilyang minsan nang nasangkot sa gulo ng pamilya namin, at ngayon ipambabayad utang ako ng aking ama sa pamilya ng mga ito. Tila gusto kong mapaiyak sa sinasabi ng aking ama, tila normal lang dito ang sinabi nito at hindi ito malaking salita. "Hindi pwedeng ipakasal ang kuya mo sa Oliver Miller na iyon kaya ikaw lang ang pag-asa ng pamilyang ito Amira." Sabi ng kanyang ina na masamang nakatingin sa akin. "Pero mommy, ayoko ko po." Bulong ko kaya napapitlag ako sa paghampan ng kamay ni daddy sa lamesa. "Anong ayaw!? Susundin mo kami dahil hindi pwedeng mawala ang kumpanya sa pamilyang ito!" Ito ang galit na sabi ng kanyang ama kaya lalong nanlumo si Amira sa mga sandaling ito. Wala akong magawa, hindi ako makapagsalita at lalong hindi ko kayang depensahan ang sarili ko. "Ano!? Magpapakasal ka? Kanino? Paano?" Ito ang sunod-sunod na tanong ni Sofia na kausap ko sa telepono. "Hindi ko alam Sofia, pero hindi ko magawang lumaban sa kanila." Umiiyak ko na bulong habang nakaupo dito sa kama ko. "Hindi pwede yan Amira! Malaki ka na at may sarili nang pag-iisip!" Muling turan nito kaya lalo akong napaiyak at hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Sofia want me to escape but i can't, i am afraid of my father. Sigurado ako na gagawa ito ng paraan upang hindi masira ang plano nito. At the age of twenty-two ikakasal ako sa taong hindi ko kilala kaya nanlumo ako ng husto. "Tandaan mo kapag nakaharap mo sila huwag lang gagawa ng ikapapahiya namin ng ama mo!" Tumango lang ako habang nagbibilin si mommy, pero ang boses nito ay puno ng pagbabanta. Wala akong nagawa nang sabihin nito na ngayong araw kami makikipagkita sa mga Miller. Kanina ko lang napagtanto kung sino ang pamilyang ito, the Miller is a long time friend of our family. But i remember that they got into fight when we got in car accident before. Namatay ang asawa ni Richard Miller kasama ang batang nasa sinapupunan nito, nag-agaw buhay rin ako ng araw na iyon at halos tatlong buwan akong nasa ospital. It was just an accident pero hindi ko pa rin makalimutan ang araw na iyon. It was the most heart breaking part of my life, nawala ang nag-iisang tao na nagparamdam sa akin ng pagmamahal ng isang ina. Gusto kong mapaiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. It was almost six years now since that happened. Isang mamahalin na restaurant ang hinintuan ng aming sasakyan, nakasunod rin pala si Kuya Aaron at Kuya Amiel. Nang makapasok kami sa loob ay dumeretso kami sa isang pribadong kwarto, at dito ko muling nakaharap ang pamilya Miller. "Nice to see you Mr. Miller." Si daddy ang unang bumati kay Richard Miller na agad naman na kinamayan si daddy. Isa-isa na rin kaming bumati dito, at nakita kong muli si Ate Olivia ang panganay na anak ni Tito Richard. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong artista at sikat sa mundo ng showbiz. At may isang babae na medyo bata pa at nagpakilala itong pangalawang asawa ni Tito Richard. "My name is Ingrid, and this must be Amira." Nakangiti nitong sabi sabay tingin sa akin pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa titig pa lang nito. "Bweno umupo muna kayo at maghintay ng ilang minuto, papunta pa lang si Oliver." Sabi ni Tito Richard kaya agad na kaming nagsiupo. Hindi ako makapaniwala na may bago na palang asawa si Tito Richard at halos hindi ko maramdaman ang bawat kataga na sinasabi ng babae. Mas bata ang pinalit nito kay Tita Ophelia, while Olivia is more likely her mom now. Nakikita ko dito ang mukha ng ina nito, pero tila ito walang pakialam sa paligid. Hangang sa may dumating na isang lalake at dito napatayo sina daddy sa pagdating nito. At nang makita ko ang lalake ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Ito na pala si Oliver Miller, ang binatilyong suplado na lagi naman na nakasunod sa akin sa pagkakatanda ko. Bata pa lang ako ay kilala ko na ito, at hindi ako makapaniwala lalo pa itong naging gwapo nang tumanda na ito. "So you are Amira now? Soon to be my wife." Napatingala ako dito nang nakalapit na pala ito sa akin at saka ako hinalikan sa noo ko. Ang tibok ng puso ko ay lalong bumilis at kung hindi dahil sa sinabi ni mommy na maupo na kaming muli ay hindi pa ako matatauhan. Nasa tabi ko si Oliver pero hindi ko magawang kumilos man lang, my long time crush is soon to be husband. Until i remember something, the last time we saw each other. Dahil sa naalala ko lang ito ay may kakaibang kaba ako na naramdaman sa mga sandaling ito.Nagtalo ang mag-ama dahil sa prisensya ng pamangkin ni Tita Ingrid na halos araw-araw ay nandito nang walang dahilan.Ipinagtangol naman ito ng babae at wala naman daw masama.Hindi ko maintindihan ang mga nasa isip ng mga tao dito kaya hindi ako bumababa ng kabahayan kapag nandito ito.Hindi ko kasi gusto ang mga panakaw nitong titig, lalo na nong unang beses ko itong makita.Dalawang araw nasa Singapore si Oliver at sina Papa Richard naman ay nasa ibang bansa rin. Ang tanging nandito lang ay ang mga kasambahay at ako at nandito ang lalakeng iyon.Hindi nagustuhan ni manang ang ugali ng lalake na minsan ay kasama ang nobya nito na tila may-ari ng bahay.Dito na rin natutulog ang mga ito pero hindi dito sa mansyon, may separate na bahay para sa mga bisita kaya dito ang mga iyon naglalagi.Pero madalas ay nandito ang mga iyon sa sala ng mansyon na tila bagyo raw base sa kwento ni manang sa akin.And when Oliver learned about it ay kinompronta na nito ang ama at madarasta.At ito ngayon
Kabado ako habang nakaharap kay Oliver may hawak itong basket ng bulaklak at tila ito papatay ng tao sa nakikita kong galit nito sa mukha.Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napayuko ako at napahawak sa damit ko, nanginginig rin ang mga kamay ko dahil sa kaba."I said what are you doing here!" Muli nitong tanong na medyo nilakasan ang boses kaya napapitlag ako."Bu-bumisita lang ako." Bulong ko sabay tingin dito pero agad itong lumapit sa akin at saka ako malakas na tinulak dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa lupa.Napaigik ako dahil sa sakit at hindi ako agad naka-kilos."Get out! Go back home and get out of my face now!" Muli nitong sigaw kaya nagmadali akong makabangon kahit na masakit ang balakang ko.Napatakbo ako paalis habang tumutulo na ang luha sa mga mata ko.Iyak ako ng iyak habang nakasakay sa kotse ko.Kung paano ko nakayanan na makapag-drive namg hindi nababanga ay hindi ko na alam.Napakasama ng loob ko at ramdam ko rin ang sakit ng kalooban ko.Iyon
Ang madarasta ni Oliver at Olivia ay masama ang ugali.Ito ang tamang taguri dito, tila ito ang may-ari ng bahay na ito. Lahat ng bawat galaw ng mga taong nakatira sa mansyon ay dapat alam nito.Samantalang hindi pala sila kasal ni Papa Richard. Nalaman niya ito dahil sa sinabi ng mayordoma dito.Si Manang Fe lang ang medyo maganda ang turing sa akin dito. Ito rin madalas na magtangol sa akin laban sa mga katulong dito na si Tita Ingrid pala ang kumuha.Galing pa raw ang mga ito sa probinsya na pinanggalingan nito.Tila sila ang nagmamay-ari sa bahay at halos wala silang ginagawa kundi ang mag-cellphone na lang buong araw.Pero kapag alam nila na darating na si Papa Richard o kaya si Olivia o ang asawa ko ay tila ito mga maamong tupa.Samantala ang asawa ko ay laging wala sa bansa, dahil mas madalas itong manatili sa Singapore.Umuuwi ito kung mayroon importanteng bagay na gagawin nito dito sa Pilipinas.Ang prisensya nito ay tila ba nagiging pabor sa akin dahil hindi ako napagbubuhat
Isang solemn na kasal ang naganap sa pagitan ni Oliver at Amira, bagamat mabigat ang lahat dahil sa dalawang pamilya na nagkaroon ng alitan mula nang mangyari ang trahedya ilang taon na ang nakalipas.Naging maayos naman ang lahat, walang aberya at naging maayos ang kasal. Pero pakiramdaman ni Amira ay ibang buhay na ang tatahakin niya mula sa araw na ito.Siya na si Mrs. Amira Miller, pero hindi niya iyon tinatangap.Ang mga mata ng pamilya ni Oliver kanina ay tila binabalatan siya ng buhay.Ang tingin ng mga ito ay mapanganib para sa kanya.“Ikaw na ang bahala sa bunso namin hijo.“ Nakayuko lang sa tabi ni Oliver si Amira kaharap ang kanyang ama at ina.Tila walang problema ang mga ito kung tutuusin, samantalang siya ay tila kakainin ng lupa sa kaba.Ang mommy niya ay may pagbabanta ang titig sa kanya pero pailalim lang iyon. Halata kasi ang kaba sa mukha niya dahil kanina pa siya nito sinasaway.“I will dad, ako na ang bahala sa asawa ko mula ngayon.“ Seryoso naman na sagot ni Oliv
Maagang naghanda si Amira kinabukasan dahil may pupuntahan siyang party.Actually it was her own bachelorette party, lima lang naman silang magkakaibigan ang magce-celebrate.She has four friends, including Sofia. Highschool friend niya ang mga ito na galing pa ng iba't ibang probinsya at yong dalawa ay umuwi pa dito sa Pilipinas para lang sa kanya.May kanya-kanya na rin kasing buhay ang mga ito at siya na ang pangatlong ikakasal sa kanilang magkakaibigan."Hija aalis ka na ba? Nasa labas na ang driver." Nasalubong ni Amira si manang sa sala kaya agad akong tumango dito."Opo, baka po gabihin ako at sa hotel na lang po ako magpapalipas ng gabi." Sabi niya dito kaya tumango ito at saka na siya nito hinatid palabas.Sa isang hotel nila naisipan na mag-celebrate at lahat ng ito ay si Marigold ang nag-organisa. She is one of her friend at ang asawa nito ang may-ari ng hotel na pupuntahan niya.Nang makarating siya sa hotel ay agad na siyang umakyat sa twentieth floor."I can't believe na
Hinatid ako Oliver sa bahay at nang bumaba ako ay bumaba rin ito."Salamat, Mr. Miller," Sabi ko dito kaya tumango lang ito at saka na ako pinapasok sa gate.Napatingin pa ako dito habang papaalis ang sinasakyan nito.Ang sinabi nito kanina sa pagbanggit sa pagkawala ng ina at kapatid nito ay hindi maalis sa isip ko.Alam ko na hangang ngayon ay galit pa rin ito sa mga nangyari, hindi ko ito masisisi.Ako lang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon, at alam ko kung gaano kahirap para dito ang mawalan ng mahal sa buhay."Hija, bakit hindi ka pa pumasok?" Napatingin ako kay manang na may bitbit na plastic bag na basura marahil ang laman."Papasok na po ako, akin na po yan mukhang mabigat." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito."Basura lang yan hija, ano ka ba hindi mo na ako dapat tinutulungan." Sabi nito pero kinuha ko pa rin ito at ako na ang naglagay sa garbage bin na nasa gilid lang naman ng gate.Pagbalik ko ay hinintay pa rin ako ni manang kaya napangiti ako."Kumain ka na ba?" Tanong ni







