THUNDER LAVISTRE “Ibig sabihin nagbabanta ang Luchesse, pero bakit?” Tanong ni Storm nandito kami ngayon sa likod ng mansion. Nag aalala ako dahil mataas daw ang lagnat ni Flame ngayon. “Yun ang hindi ko pa alam wala itong sinabi kung bakit.” Sagot ko sa kapatid ko. “Papuntahin mo si Vlad dito.” Utos ko dito. Tumango ito at kinuha agad nito ang kanyang Cellphone. Napa lingon ako ng may humawak sa balikat ko. “Okay na si Flame, nag chills siya sa taas ng lagnat niya. Pag tumaas pa sabi ko dalhin na nila sa hospital.” Umupo ito sa tabi ko. “Papunta daw sila talaga dito. Sabi ni Demitri.” Pinakita sakin ni Storm ang text ni Demitri. Tumango naman ako. “Mabuti naman, nag aalala ako sa kanya pag nagkakasakit, akala mo wala ng bukas.” Bumuntong hininga ako. Tumawa naman ang Fiance ko. “Ngayon lang ito nangyari sa tagal niyang naging matibay. Parang binawi na sa kanya ang lakas niya.” Paliwanag ni Marga sakin. “Inabuso kasi niya ang katawan niya kaya ayan sinisingil siya.” Dag
Read more