DEMITRI VALENCIA LAVISTRE NAKITA KO PAANO MAG LIYAB ANG BUONG PALIGID. Malalakas na sigawan ang narinig namin lahat, nang buhay na sunugin ni Flame ang mga ito. Nakita ko ang hawak nito, isa itong maliit na switch para lang ito susi ng sasakyan. Ang mahirap dito si Flame ay may kakayahan na rin gumawa ng bomba. Tinuruan na rin siya ni Brent hindi tulad noon na kami kami lang ang may alam. “TULONG!!” Malakas na sigaw ng mga ito. Ngunit nag lakad lang si Flame papasok ng Underground, ang iba ay sumunod na rin pero ako nanatiling naka tayo. “Hindi na kaya maawa ni Flame..” nilingon si Damon. Seryoso ang wangis ng isang ito. “Tama ka, kung dati susugod agad ito pero ngayon..” putol ko. “Mas tatapusin niya ang lahat sa isang atake lang. Malaki na binago niya, mukhang may pinag lalaan siya ng lakas..” sagot ni Damon. Tama si Damon, hindi na kumukilos si Flame tulad noon na isang bagsakan lang na tila wala ng buhay. Dahil ngayon dahan dahan pero kalkulado. FLAME MORJIANA LA
Read more