FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napatingin ako sa mga tao ngayong gabi dahil pakiramdam ko may nakamasid sa galaw ko. “Pwede ba na bumalik na tayo?” Mahinahon kong tanong. Sabay sabay silang lumingon sa akin. “Why? Anything wrong?” Tanong ni Kuya Vlad sakin. “Kanina ko pa nararamdaman na may nagmamasid sa galaw ko.” Paliwanag kong sagot na kina tingin nila sa paligid. “Ano payag kayo na babalik tayo?” Tanong ni Kuya Thunder sa lahat. Binuhat ko ng maayos ang bunso kong anak. Habang si Seth naman ay hawak ko gamit ang isang kamay ko. “Damon kunin mo si Seth, Storm ikaw kay Aithné. Hindi pwede na crowded ang kamay ni Flame.” Utos ni Earl kay Kuya Storm at Damon. Mabilis naman kumilos ang dalawa at kinuha ang mga bata sakin. “Mauna na kayo mahuli kami, upang hindi kayo madamay pati ang mga bata.” Utos ni Drake. “Blake sasabay ka ba?” Tanong ni Kuya Thunder sa asawa ko. Nilingon muna ako ng asawa ko, hindi ko ito tinapunan ng tingin dahil naka focus ako sa pag dama ku
Mehr lesen